1 am in the morning, gising pa ko hindi pa kasi ako makatulog. Nakikinig pa ko ng Radio, then maya maya kakapikit ko lang ng mga mata ko nakarinig ako ng putukan parang putok ng baril pero hindi eh, hindi ko muna pinansin kasi baka away lang, o fireworks kasi independence day naman. pero nilabas ni mama ko, ako kasi kapag umaalis si mama sumusunod ako, paglabas niya Tangina MAY SUNOG! SIGAWAN NA yung mga tao, tapos iyakan.
Puno ako ng takot non, kasi Kaharap ng bahay namin yung PAINT CENTER, as in malapit lang. SINO BA NAMAN ANG HINDI MATATAKOT!? PANAY PINTURA YUN, MARAMING KEMIKAL MARAMING PLASTIK PA SA LOOB. PAGLABAS KO SA BAHAY PINAPUNTA NA KAMI SA KALSADA BAKA DAW KASI PUMUTOK YUN syempre tatalsik yung kemikal. Dahil nga puro pintura ang laman, mahirap patayin ang apoy, mga 4 hours o mahigit yung pagsasabog at saboy ng tubig. Andoon ako, kitang kita ko yung laki ng apoy, maya’t maya ang putok ng pintura, Maya’t maya rin ang balik ng mga trak ng bumbero na may dalang tubig. 10 trak yung pabalik balik, Grabe kakomplikado. Pero kahanga hanga yung mga bumbero kasi biruin mo dapat matutulog na sila non, pero andun sila. Hindi talaga matinagtinag yung apoy, kaya ginamitan nila ng may kemikal. Then mga 5 in the morning, maliwanag na. Natapos din, Hay nakahinga rin yung sambayanang Pilipino dito. Thank God.
Nagsimula raw kasi sa baba yung apoy ayon sa may ari, 4 silang nakatira doon. Nagpapasalamat kami kasi wala namang buhay ang nawala at naagapan naman agad yung sunog. Ang kawawa lang ay yung 5 aso nilang natosta. Kawawa lang ba yun :. Tyaka nasunog yung ibang parte ng katawan ng mga may ari. Nakakatakot isipin, sana hindi na to ulit maulit dito.